Sulong Romblon sa bawat mithiin Ng isang tunay na pag-unlad Bawat hakbang ay ating unahin Ang kagalingan ng lahat Sa puso ng arkipelago Pintig ng pag-asa'y taglay Sa lalawigang pulo-pulo Pangarap ay mabubuo
Mga dagat na sa ati'y naghihiwalay Ay biyayang sa ati'y nag-uugnay Lahat ng panahon ay maghahawak kamay Romblon Sulong sa tagumpay!
Sa pagkakaisa't tulungan Kaunlara'y makakamtan Matatawid laot ng mga pagsubok Sa gitna ng dilim at unos
Sulong romblon sa bawat mithiin Ng isang tunay na pag-unlad Pangalagaa't laong pagyamanin Kultura't mga yamang likas Salita man nati'y iba-iba Sa pangunawa'y nagkakaisa Sabay-sabay na maglalayag Sa isang masaganang bukas