Tindig mga kaibigan tayo ay umawit at magbigay galang. Lahat nating panauhin batiing malugod at pasalubungan. Nitong awit na matimyas hindi kumukupas magpakailan pa man. Nang dito sa atin ay mawiwiling tunay At di na malimot ang Palawan.
Mga pusong naririto Ang pinanggalingan iba't-ibang dako Wika ay magkakaiba maging sa ugali Maging sa pagsinta, ngunit iisa ang layon Iisa ang tukoy ang diwa'y iisa Tulungang umunlad Mga nayo't bayan tanghaling dakila Ang Palawan
Ang lahat ng hirap ay hindi alintana Makapiling ka lang kahit sandal sinta Lalo na't kung kayakap kita
Giliw, halina't umindak, Paa ay ihakbang kamay ay ikumpas, Himig ng tugtog ay sundan Ating ipagdiwang Panauhing lahat
Ganyan ang nais ko sinta Sigla'y walang bawamagpakailan pa man Nang dito sa atin ay mawiwiling tunay At di na malimot ang Palawan ang Palawan, ang Palawan, ang Palawan.