Ang masa, ang masa lamang Ang siyang tunay na bayani Ang masa, ang masa lamang Ang siyang tagapaglikha. Ang masa, ang masa lamang Ang siyang tagapaglikha Ang masa o, ang masa Tagapaglikha ng kasaysayan.
Sundin ng buong tatag Ang linyang pangmasa Mula sa masa, tungo sa masa Ito ang ating patnubay. Sundin nang buong tatag Ang linyang pangmasa Mula sa masa, tungo sa masa Ito ang ating patnubay.
Makibaka, huwag matakot Harapin ang kahirapan Magkaisa at lumaban Nang makamtan ang tagumpay.
Magpakatatag, huwag matakot Nang mapalaya ang bayan Hanay natin ay tibayan At durugin ang kalaban. Magpakatatag, huwag matakot Sa mga pagpapakasakit Kahirapa'y pangibabawan Nang makamtan ang tagumpay